Mga sikat na DJs sa Metro Manila, nagbigay saya sa mga Novo Ecijano

Nagbigay saya sa mga Novo Ecijano ang mga sikat na Disc Jockeys o DJs na nagmula pa sa Maynila sa pamamagitan ng Castaway 6 Music Festival 2019 na ginanap sa SM Megacenter noong Biyernes, April 12, 2019.

Ito ang kauna – unahang Castaway Party na isinagawa sa SM Megacenter na pinangunahan ng mga sikat na DJ ng Metro Manila kung saan nag – enjoy ang mga shoppers at napanood ang mga talentadong DJ.

Una ng nagperform si DJ Kat na nagbigay saya sa mga kabataan.

Nagpakilig at nagpaingay naman sa buong SM Megacenter ang naggagwapuhang mga DJ na sina Marc Marasigan at Victor Pring.

Bukod sa tatlong naunang DJs ay  hindi rin nagpahuli sina MC Boo  at Ron Poe na nagpagising sa gabi ng mga Novo Ecijano.

Ayon sa Assistant Mall Manager ng SM Megacenter Cabanatuan na si Carolyn Del Rosario, ito ay pa-summer party sa lahat ng shoppers.

Ang Castaway Music Festival ay pupunta sa labing tatlong napiling SM Supermalls sa buong North Luzon kabilang nga ang dalawang mall sa probinsiya na SM Megacenter at SM Cabanatuan City.-Ulat ni JOICE VIGILIA/ JOVELYN ASTRERO


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *