Mga siklistang sumali sa Sikad Novo Ecijano, mas dumami

   Mas dumami umano ang lumahok sa taunang cycling event ng provincial government sa pangunguna ni Governor Czarina Umali dahil sa pagbubukas ng professional category para sa mga taga ibang lugar.mga siklistang sumali sa Sikad Novo Ecijano, mas dumami

   Ayon kay Yohan Ocampo, Project Director ng Provincial Sports and Youth Services, umabot sa 250 ang mga siklistang sumali sa ika-anim na Sikad Novo Ecijano na hinati sa apat na pangkat: ang Open- pro, Amateur, Master, at Senior or Veterans.

   Wagi sa professional category si Ronald Oranza mula sa lalawigan ng Pangasinan na nagkamit ng Php 21, 000.00, 2nd placer si George Oconer ng San Mateo, Rizal na tumanggap ng Php15, 000.00; 3rd si Joel Calderon ng bayan ng Guimba, Php10, 000.00; 4th si El Joshua Cariño ng Pangasinan Php8,000.00, at 5th placer si Ronald Lomutos ng Zambales Php5,000.00.

   Sa Amateur, nakuha ni Ismael Grospe ng bayan ng Cuyapo ang 1st place at premyong Php20,000.00, si Luis Krogg ng San Antonio ang ikalawang pwesto Php15,000.00; at pangatlo si Odelon San Pedro ng Cabanatuan City, Php10,000.00.

mga siklistang sumali sa Sikad Novo Ecijano, mas dumami

   Panalo sa Master Category si Angelo Bryant Licup ng Cabanatuan na nag-uwi ng Php15, 000.00, 2nd placer si Peter Gan ng Cabanatuan City, Php10, 000.00; at 3rd si Mario Ramirez ng Sta. Rosa Php5,000.00.

   Habang sa Senior or Veterans, nasungkit ni Emiliano Hipolito from Cabanatuan City ang 1st place with Php10, 000.00 prize; 2nd si Cesar Ramirez ng Talavera Php5, 000.00; at 3rd si Martillano Ramos ng Talavera Php3, 000.00.

   Nagbigay rin ng special award with Php2, 000.00 prize each para sa pinaka batang cyclist kay Toni Krogg na edad katorse at isang babae, at pinaka matandang siklista naman ang 81 years old na si Fernand Vallente mula sa San Jose City. Samantala tumanggap naman ng tig-Php300.00 ang lahat ng finisher sa karera.- ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *