Mga sundalo ng 7ID, nakiisa sa unang Nationwide Earthquake Drill ngayon 2018

Sumabog na gas dump at gumuhong gusali yan ang senaryo na sinanay ng mga sundalo ng 7th Infantry (Kaugnay) Division (7ID), Philippine Army sa Fort Magsaysay bilang pakikiisa sa kauna-unahang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong 2018 na may hashtag na #BidaAngHanda.”

Layunin ng drill na itaas ang kapabilidad ng mga sundalo at mabawasan ang epekto ng disaster sa lalawigan.

Mula sa pagresponde sa mga biktima hanggang sa paglilista ng mga datos ay inensayo ng mga sundalo upang masubukan ang kahandaan ng 7ID na higit pa sa duck, cover and hold.

Aminado si Lt. Col. Gilbert Ruiz Assistant Chief of Staff ng G3-7ID, na marami pang dapat gawin upang masabing plantsado ang kasanayan ng mga sundalo.

Kapag tumama ang “The Big One”, inaasahan na ang Bulacan at Tarlac ang heavily damage sa Central Luzon. Habang sa Nueva Ecija ay gawing Timog naman ang maapektuhan.

Ngunit importante rin aniya na hindi lang gobyerno ang magseryoso sa aktibidad na ito. Mas higit na kailangan ang tulong ng publiko.

Sa pahayag ni First Lieutenant Catherine Hapin ng Public Affairs Office, hindi lamang ang pagresponde sa lindol ang kanilang pinaghahandaan kundi maging sa iba pang mga sakuna. – Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *