Mga tamang pamamaraan para iwas sa aksidente, itinuro sa mahigit 500 estudyante ng ELJ College

Sa ginanap na road safety awareness activity sa Sierra Madre Suites Palayan City, ibinahagi ni Mr. Arturo Sta. Cruz, Presidente ng Motorcycle Federation Phils. ang mga pamamaraan kung paano maging ligtas ang mga estudyante sa kalsada.

Layunin nito na mapalawak ang kaalaman ng mga nagmamaneho ng motorsiklo o big bike na maging maingat  at sundin ang mga traffic signals at patakaran sa kalsada upang makaiwas sa aksidente.

Habang ipinaliwanag naman ni Director for Safety & Gov’t. Interagency Concerns MCPF Engr. Joel Donato ang kahalagahan ng Transportation Laws & International Traffic Signs & Signals.

Ang Transportation Laws & International Traffic Signs & Signals ay ang mga patakaran o regulasyon na makikita sa bawat daanan na dapat sundin ng mga riders lalo na ng mga estudyante na madalas sumisingit sa kalagitnaan ng traffic.

Ipinaliwanag nito ang mga kahalagahan ng bawat kulay o color codes for traffic and signs kabilang ang black & white na nangangahulugan na regulations o naglalaman ng mga dapat o hindi dapat gawin sa kalsada, ang kulay asul na nangangahulugan ng motorist service availability, orange para sa construction or warning ahead.

Vice Governor. Anthony Umali, nagbigay ng mensahe tungkol sa kahalagahan ng driving skill sa mga estudyante ng elj college

Dumalo rin sa nasabing programa si Vice Governor Anthony Umali na nagbigay ng mensahe sa mga estudyante ng ELJ College.

Ayon kay Vice Governor Umali, ang pagmamaneho ay isang malaking pribilehiyo lalo na sa mga nag-aapply ng trabaho na karaniwang hinahanapan ng driving skills.

Ang road safety awareness ay taunang isinasagawa ng Department Of Transportation (DOTR) at Land Transportation Office (LTO). Ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *