Mga tricycle drivers sa Cabanatuan, apektado sa pagtaas ng petrolyo

Apektado na ang mga Cabanatueñong  tricycle drivers, dahil sa ikatlong beses na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

  Sa pagiikot ng TV 48 dito sa Cabanatuan City may ilang Tricycle drivers kaming nakunan ng komento tungkol sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

  Isa dito si Noli Boy Estrera na taga Barangay Barlis at apat na taon ng tricycle driver, aniya bukod sa matumal na pasada ay nababawasan pa kaniyang kita dahil sa pa piso-pisong taas preosyo ng gasolina.

Mula kasi noong  Pebrero 12 hanggang 26, umabot na sa P3.05 ang itinaas ng kada litro ng gasolina, habang P2.70 sa diesel at P2.50 sa kerosene.

Umabot na sa P6.69 itinaas ng diesel kada litro, P5.89 sa gasolina at P4.52 naman sa kerosene simula ng pumasok ang taong 2019 hanggang kahapon Pebrero 26.

Ayon naman kay Antonio Manubay namamasada sa palengke ng Cabanatuan City na residente ng Kapitan Pepe, malaki ang epekto nito tulad niyang may tatlong anak na pinag-aaral imbes na maidadagdag na ito sa baon ng kaniyang mga anak ay nauuwi pa sa pang gasolina.

  Mahinang kita iyan naman ang hinaing ni Fernando Javier na taga Aliaga na kasapi sa jolibee toda, hiling nya na sana ay bumaba ang presyo ng gasolina upang lumaki kahit papaano ang kaniyang kinikita.

  Nagpaalala din si Javier sa mga commuters na sana ay unawain ang kalagayan ng mga tricycle drivers dahil, mas higit silang naapektuhan ng pagtaas ng petrolyo.

  Gayunman, iisa lang ang kanilang hiling sa ating gobyerno ang ibaba ang presyo ng petrolyo upang maibigay nila ang sapat na pangangailangan ng kanilang mga pamilya.   Ito na ang ikatlong sunod na linggong nagkaroon ng taas-presyo ng petrolyo at inaasahang magkakaroon pa ulit ng paggalaw sa presyo nito.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *