Midway Vikings, may dalawang panalo sa Men’s Basketball ng NECSL

Sa pagbabalik ng Midway Vikings ay muli nitong pinatunayan ang kanilang bangis pagdating sa paglalaro ng basketball.

Nanguna ang Midway Vikings ng Men’s Basketball na may dalawa ng panalo sa Day 2 ng palaro.

Simula 1st quarter ay hindi na pinaubra pa ng Vikings ang ELJMC Ravens.

Tinambakan ng nasabing koponan ang Ravens sa iskor na 131-57.

Pinangunahan nina Antonio ang Midway na umasinta ng 16 pts, 6 rebounds, 2 assists, 3 steals at 1 block katulong ang team captain na si Abergas na may 15 pts, 7 rebounds, 1 assist, 2 steals at 2 blocks.

Habang nakamit ng mga manlalaro ng Midway ang pangalawang panalo sa CRT Bluefox na may iskor na 93-81.

Umukit ng 19 pts, 3 rebounds, 3 assists at 2 steals si Cabuhat upang dalin ang Midway sa unang pwesto ng palaro.

Wagi rin ang defending champion NEUST Phoenix kontra MVGFC Ambassadors na may iskor na 88-59 na pinangunahan ng kanilang star player na sina De Jesus at Andasan.

Naging mainit rin ang bakbakan sa pagitan ng CGCI Green Eagles at OLSCHO Aces. Naipanalo ng Aces ang laban, 81-80 sa tulong ni Gadut na nag-ambag ng 26 pts, 5 rebounds, 2 assists at 1 steal.

Nakamit naman ng CIC Kings ang unang panalo kontra sa WUP Riders, 90-85. Best player of the game si Pararuan na gumawa ng 25 pts, 5 rebounds, 2 assists at 1 steal.

Sa darating na Huwebes October 10 ay magtatapatan ang CRT Bluefox vs MVGFC Ambassadors, CGCI Green Eagles vs CIC Kings, at NEUST Phoenix vs ELJMC Ravens na gaganapin sa NEUST Sumacab Gymnasium, ala-1:00 ng hapon.

Samanatla, siniguro ng NEUST Phoenix, CLSU Green Cobras at WUP Riders ang unang tagumpay sa Women’s Volleyball kontra sa CIC Kings, ELJMC Ravens at CRT Bluefox.

Habang naghari sa Men’s Volleyball ang WUP Riders, CIC Kings at CLSU Green Cobras kontra MVGFC Ambassadors, ELJMC Ravens at OLSCHO Aces.

Abangan ang susunod na paghaharap ng mga koponan sa darating na Biyernes October 11 para sa Men and Women’s Volleyball na gaganapin sa Midway Gymnasium simula alas 8:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *