Milyong halaga na uutangin ng Cabanatuan City para sa Earth Dike, pwedeng malusaw

Pinangangambahan ni Vice Mayor Anthony Umali na maaring masayang lang ang milyon-milyong halaga na balak utangin ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan dahil wala umanong katunayan na talagang matibay itong proteksiyon sa baha.

Sa panayam sa Bise Alkalde, ngayon na naipasa na ng Sangguniang Panlungsod sa Ika-Pitong Regular Session ang P1.5-P1.6 bilyong halaga na planong utangin ni Mayor Jay Vergara. Kung saan, ang malaking tipak ng pondo na P450 milyon ay ilalaan sa pagpapagawa ng unang bahagi ng Earth Dike.

Hanggang ngayon aniya ay wala naman maipakitang rekomendasyon ang limang ahensiya kabilang ang Mines and Geoscience Bureau at Feasibility Studies na di umano ay nag-aral sa naturang proyekto bilang katunayan na ito talaga ang solusyon sa matinding baha.

Bukod pa sa walang nagnanais na tumaya sa posibleng kahinatnan ng dike, maliban kay Engr. Lauro Pangilinan.

Wala na nga umanong maipresentang katibayan, idadagan pa sa taong bayan ang bilyong halagang uutangin ng Lokal na Pamahalaan.

Dagdag pa niya, kung infrastracture projects lang din naman ang pinagbubuhusan ng pondo. Bakit hindi na lang pabahay ang ibigay sa mga Cabanatueño?

Suhestiyon pa ng Bise Alkalde, livelihood projects ang kailangan ng mamamayan. Programa na rektang madarama at mapapakinabangan ng mga tao. Mahalaga aniya na balanse ang pinaglalaanan ng pondo, hindi puro bato at semento. 

Matatandaan na habang dinidinig ang 2018 Proposed Annual Investment Plan ay sinabi na ni Vice Mayor Umali kay Engr. Pangilinan na posibleng malusaw lamang ang tambak lupa na proyekto na pinaggugugulan ng milyong-milyong piso na wala namang naisagot dito ang huli. Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *