Mini-concert, inihandog sa 300 Senior Citizens ng Brgy. Concepcion, General Tinio

Hinarana ng bandang Musiklab sa pamamagitan ng mga Christian songs and Hillsong ang halos tatlong daang Senior Citizens na Papayanos sa Barangay Concepcion, Gen Tinio noong Oktubre 19, 2018.

Ito ang kauna-unahang mini-concert para sa mga katandaan na ginanap sa naturang lugar.

Bagama’t first time aniya na may ganitong aktibidad ay nilinaw naman na bukod dito ay  marami pa silang isinasagawang socialization, mga proyekto at programa upang kalingain ang mga senior citizens.

Bukod sa kantahan at sayawang naganap ay nagkaroon din ng mga “sharing” o pamamahagi ng kaalaman patungkol sa mga salita ng Diyos na pinangunahan ni Pastor Rudolfo “Jojo” Palisok na siyang nagbigay kulay at kahulugan sa gabi.

Ayon kay Rejel Castillo, tresurero ng Barangay at isa sa Organizer ng nasabing event, ito ang paraang naisip ng kanilang banda upang mapasaya ang mga senior citizen kahit  sa maliit na paraan.

Ipinaliwanag din nito kung bakit Healing and Deliverance ang pamagat ng programa,  ito ay dahil sa kailangan ng healing  ng mga may edad na lalo sa pisikal, emosyonal at ispiritwal na aspeto. Naniniwala aniya sila na sa ganitong pamamaraan ay kayang maibasan ang kanilang mga dinaramdam.

Layunin nito na mapagsama-sama at magkakilala ang mga katandaan sa kanilang lugar.

Bago matapos ang programa ay nagkaroon pa ng pa-raffle at namigay  ng bigas para sa mga senior citizens na mula sa kinita ng mga organizers  sa pagbebenta ng mga ticket.

Parehong emosyonal naman si lola Jovita at lola Conchita sa mga blessings na natamasa ng mismong gabi at sa mga aral patungkol sa Poong Maykapal na kanilang narinig.

May mensahe naman si Kapitan Eugenio T, Pajarillaga sa mga Senior Citizens na kanyang nasasakupan.

Ang Musiklab ay banda na binuo ng mga estudyante mula sa Nueva Ecija University of Science and Technology,  na dalawang taon ng nag-aaliw at nagpapamalas ng kanilang talento sa pamamagitan ng pag-awit.-Ulat ni   Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *