Miss Millenial 3rd runner up Maica Cabling Martinez, suportado si Governor Oyie Umali

Nagpahayag ng suporta si ms. Millenial philippines 2019 3rd runner up Maica Cabling Martinez kay Governor Aurelio   Umali sa pagtulong sa mga magsasakang novo ecijano sa paamamagitan ng Provincial Food Council (PFC).

Matapos magwagi ni maica ay dumalaw ito sa new capitol palayan city  upang I prisinta ang kanyang korona.

Ang Miss Millenial Philippines  sa programang Eat Bulaga  ng GMA 7 ay naglalayong ipamalas ang ganda at talento ng mga binibini  at ipakita ang  iba’t ibang tourist destinations sa kanilang lugar.

Sa  mensahe ni Maica Kay Governor Oyie, inihayag nito na bukas loob niyang ibinibigay ang kanyang serbisyo sa abot ng kanyang makakaya upang matulungan ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagtugon sa problema ng mga magsasaka.

Hinikayat din ni Maica na tangkilikin ng mga mamamayan  ang lokal na produkto ng
Nueva Ecija katulad ng Malasakit well Milled Rice na makakatulong sa ating mga
kababayang magsasaka na dumadaan sa krisis dahil sa patuloy na pagbagsak ng
presyo ng palay.

Pahayag pa ni Maica bilang isang iskolar ng bayan ay mayroon siyang responsibilidad na maglingkod sa mamamayan.  – Ulat ni Amber Salazar

https://youtu.be/aWzxfiyCSGk


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *