MUSIKA, DAAN UPANG MAILAPIT ANG BUONG PWERSA NG AFP SA MGA SIBILYAN, AYON SA SF PARATROOPERS BAND

Mas mabisa umano ang musika kumpara sa baril na itinuturing na isa sa mga pamamaraan upang mailapit ang buong pwersa ng Armed Forces of the Philippines sa mga sibilyan, ayon sa Special Forces Paratroopers Band.

Ayon sa bokalista ng banda na si Corporal Roxane P. Lorenzana, hindi lamang baril ang maaaring maging daan para sa kapayapaan kundi maging sa pagbabahagi ng kanilang talento sa pagtugtog at pagkanta.

Dagdag pa ni Corporal Lorenza, na taong 70’s pa nang unang tumugtog ang paratroopers’ band at pangatlong henerasyon na ang kanilang batch sa kasalukuyan.

Ang Special Forces Paratroopers Band ay nahahati sa dalawang set na binubuo ng labing apat na miyembro na pawang mga Philippine Army Special Forces, na tumutugtog at nagpeperform sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa mga nais namang maki-jam sa SF Paratroopers Band, tuwing huwebes ng gabi sila’y tumutugtog sa Fort Ramon Magsaysay upang magbigay kasiyahan sa mga Philippine Army at iba pang mga sibilyan.

Mensahe ni Corporal Lorenzana sa mga kabataan o indibidwal na nahihilig sa musika na gamitin ang kanilang talento para sa mabuti at makapanghikayat ng kapwa patungo sa tamang landas.-Ulat ni Shane Tolentino

[youtube=http://youtu.be/1s5UgOZL0BM]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *