Napagkamalang suspek sa pagpaslang kay Fr. Richmond Nilo, inilibing na!

inilibing na ang napagkamalang suspek sa pagpatay kay Fr. Richmond Nilo na  si Adel Roll Milan noong Martes February 19, 2019 sa San Isidro Cemetery, Nueva Ecija sa ganap na alas tres ng hapon  na dinaluhan ng mga kamag-anak, malalapit na kaibigan at kasamahan sa Kappa Epsilon Fraternity.

Base sa spot report ng Gapan City Police Station, nasangkot sa isinagawang buy-bust operation si Milan at ang isang nagngangalang Randy Empaynado na parehong miyembro ng Kappa Epsilon Fraternity-Sorority Nueva Ecija Council.

Pebrero 7, 2019 bandang alas kwatro ng madaling araw nagsagawa ng Buy-bust operation ang kapulisan sa Brgy. Sto. Cristo Norte Gapan City sa pamumuno ni PSUPT. Criselda Y De Guzman.

Nanlaban di umano si Milan nang matunugan nito na ang kanilang ka-transakyon ay pawang mga pulis na nagpanggap lang na bibili ng shabu.

Ayon sa mga pulis tumanggi  maaresto ang dalawa na nagresulta ng maikling palitan ng putok sa mga kapulisan.

Nakuha naman sa crime scene ang 500 peso bill na may serial number na GR251414 at iba pang drug paraphernalia.

Matatandaan na si Milan  ay napagkamalang pangunahing suspek sa pagpatay kayFr. Richmond Nilo na pinagbabaril noong June 10, 2018 sa Brgy. Mayamot, Zaragoza, Nueva Ecija.

Samantala,habang ibinababa ang kabaong ni Adel ay ekslusibo namang nakuhanan ng Tv48 ang nasunog na karo nito. Kasalukuyan pang iniimbistigahan ang dahilan ng insidente.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *