Natagpuang Pugot na Ulo, Pinutol na Ari at Chinop-chop na Katawan ng Lalaki sa Magkakahiwalay na Lugar, Kinukumpirma ng mga Otoridad Kung sa Iisang Tao; Buy and Sell Agent, Itinumba sa Sariling Bahay

Pasintabi po sa ating mga tagapakinig at mga manonood, ang susunod na balitang aming ihahatid ay maselan po.

Kinukumpirma na umano ng mga otoridad sa Nueva Ecija Provincial Crime Laboratory base sa kanilang ginawang pagsisiyasat at eksaminasyon kung pag-aari nga ba ng iisang tao ang pugot na ulo, putol na ari at mga chinop-chop na katawan ng lalaki na natagpuan sa magkakahiwalay na lugar dito sa lalawigan.

Matatandaan na magkahiwalay na nadiskubre sa Lungsod ng Cabanatuan at bayan ng Sta. Rosa ang pinutol na pares ng mga hita, binti, at paa ng isang lalaki.

Kasunod nito, natagpuan din sa barangay Soledad sa Sta. Rosa, ang chop-chop na katawan, nakakalat na mga laman-loob, kamay, at ari ng isang lalaki na nakasabit sa puno.

Samantala, umaalingasaw at inuuod na nang makita sa ilalim ng tulay sa barangay Bravo, bayan ng General Natividad ang pugot na ulo ng tao na nakasilid sa loob ng sunog na garbage bag.

San Jose City- Pinagbabaril ng hindi nakilalang gunman sa harap mismo ng kanyang bahay ang isang buy and sell agent sa barangay Sto. Nino 2nd, San Jose City.

Kinilala ang biktima na si Ric Villasenory Villamor, singkwenta’y sais, ng naturang lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, lasa singko kwarenta ng hapon habang tinatahi ng biktima ang kanyang short pants sa harap ng kanyang tahanan ng bigla na lamang ratratin ng hindi nakilalang suspek.

Nagpanggap umano ang suspek na kinukumpuni nito ang motorsiklo na nakaparada sa tapat ng bahay ng biktima na ginamit nito sa pagtakas matapos isagawa ang krimen. – Ulat ni Clariza de Guzman

[youtube=http://youtu.be/2tDPGvLcuAk]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *