NE-TV48 News Update | November 05, 2018 | 5:00PM

Opisyal na talaan ng mga kakandidato 2019 eleskyon, ilalabas na ng comelec sa nobyembre 19

Mag-aanunsyo na ng paunang talaan ng mga opisyal kandidato para sa 2019 midterm elections ang comission on elections o comelec sa darating na nobyemre          19.

Nakapaloob sa comelec resolution no. 10441, ilalatag ng ahensya ang listahan ng mga kandidato sa kanilang website na www.comelec.gov.ph at  gayundin sa tanggapan ng  election officer  kung saan sila naghain ng certificate of candidacy.

Samantala,  nobyembre 30 ilalabas sa website ng comelec ang pangalan ng mga substitue candidates at hanggang nobyembre 29 lang maaring maipabago ang kanilang pangalan.

Layunin ng comelec na mabigyan ng oportunidad and mga aspirante na matiyak kung tama ito at mabago kung may pagkakamali ang pangalan   na lalabas sa balota. -Ulat ni Henriena Hizon


Mayor’s Cup Inter-Barangay Basketball at Volleyball  Schedules, kasado na!

Kasado na ang skedyul ng larong Basketball at Volleyball  sa Bayan ng San Antonio bilang bahagi ng annual Mayor’s cup Inter-Barangay sa pamumuno ni  Mayor Arvin Salonga.

Sa Basketball Season 8 Schedules ay gaganapin ngayong araw at oras na paglalabanan ng Barangay San Jose at Brgy. Tikiw (A), alas-sais naman ang Brgy. St. James laban sa Brgy.  Luyos (B) at eksaktong alas-syete ng gabi naman ang Brgy.Papaya laban sa Brgy. San Mariano.

Sa November 7, 2018, naman ang Brgy.  Luyos laban sa Brgy. San Mariano(B) ng alas singko ng hapon at alas-sais din ang Brgy  Poblacion laban sa Brgy. Julo (A) at alas-syete namn ng gabi ang Brgy. Kc1 laban sa Brgy. Maugat (B)

Sa November 9, 2018,   rin ang Brgy. Poblacion laban sa Brgy Cama Juan (A) ng alas-sais ng gabi at alas-syete naman ang Brgy. Joker laban sa Brgy.  St. James (B).

At sa Volleyball Season 2 Schedules naman bukas November 6, 2018, 7pm ang Brgy. Maugat vs Sta Cruz at 8:00 pm din ang Brgy. Sto Cristo (A) vs San Mariano.

November 8, 2018, naman ang  Brgy. Lawang Kupang vs Sta Barbara sa ganap na alas-syete ng gabi. 8:00 pm din ang Brgy. Maugat (A) vs. Brgy. Tikiw.

November 10,2018 sa Sabado ang Brgy. Julo (B) vs Julo (A) 7pm din ang Brgy.  Sto Cristo (B) vs Sta Barbara.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *