NECROLOGICAL SERVICE PARA KAY DATING MAJOR GENERAL VICENTE M. PICCIO JR. ISASAGAWA SA SABADO

Nakatakdang isagawa ang Necrological Service para kay retired Philippine Air Force Major General Vicente M. Piccio Jr. sa darating na sabado, na yumao dahil sa sakit na Alzheimer’s secondary to multiple organ failure noong ika 28 ng Abril taong kasalukuyan, sa edad na 88 taong gulang.

Si retired General Piccio Jr. ay ama ng main anchor ng Nueva Ecija TV48 na si Philip Piccio o mas kilala bilang Dobol P.

Kasalukuyang nakaburol ang mga labi ni General Piccio Jr. sa Belison, Antique, at nakatakdang dalhin sa Villamor Air base para sa gagawing Necrological Service, sa Huwebes.-

Taong 1949 nang pumasok sa Philippine Air Force Flying School si Piccio at nagtapos noong taong 1951, inatasan bilang Second Lieutenant sa reserve force, tinalaga bilang Flight Commander at Instructor sa Fernando Air Base sa Lipa, at makalipas ang isang taon, nailipat si Piccio sa Basa Air Base sa Floridablanca kung saan naitalaga siya sa P-51 Mustang.

Na-promote si Piccio bilang First Lieutenant noong December 2, 1954 at naisama sa regular force noong December 29, 1955.

Naging Kapitan siya noong April 7, 1956, at mula sa pagkakahirang bilang Division Commander sa 3rd Air Division noong 1978, ay tumaas ang ranggo niya bilang Brigadier General noong July 11, 1979.

Naging Commanding Officer siya ng Aviation Security Command noong July 16, 1980, sumunod na taon 1981 ay naging Vice-Commander ng Philippine Air Force sa concurrent capacity at sa parehong taon ay hinirang na Presidente ng Military Commission Number 5.

April 5, 1982 naman nang maging Commanding General ng Philippine Air Force si Piccio, at May 2 nang taon ding iyon ay na-promote siya bilang Major General.

Si Piccio ay responsable sa paglalathala sa 1985 a directive banning taxpayer-subsidized Philippine Air Force personnel mula sa paglalakbay o pagkakaroon ng trabaho abroad nang walang Presidential clearance o authority.-Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *