NEEC Exhibit, layong ipalaganap ang konserbasyon ng mga exotic animals

“Main purpose nung event is to promote wildlife conservation by means of educating people dun sa mga species na kadalasan kinakatakutan nila.”  – Joane Cruz, Presidente NEEC

Umabot sa mahigit 50 uri ng hayop mula sa mga common pets katulad ng  iba’t ibang uri ng guinea pig, hamsters at mga exotic pets katulad ng   tarantula, snapping turtle, python at marami pang iba  ang itinampok sa Exhibit ng Nueva Ecija Exotic Club sa Main Atrium, N.E. Pacific Mall na dinaluhan ng mahigit 800 katao.

Dito ay binigyan ng pagkakataon ang mga nais magpa picture at makilala ang iba’t ibang uri ng hayop na kasama sa exhibit.

Ayon Kay Joan Cruz, Presidente ng NEEC pagkakataon ito upang mas lalong makilala ng mga tao ang mga hayop na kadalasang kinatatakutan ng tao katulad ng ahas at tarantula.

 Para sa NEEC ang pagpapakilala ng mga hayop katulad ng mga reptiles  ay  makatutulong upang malaman ng mga tao ang kahalagahan ng mga ito sa kalikasan.

Ayon sa Journal of Nature studies ang Pilipinas ang tahanan ng mahigit 66 uri ng mga exotic species at 50 dito ay critically endangered na o malapit nang maglaho kung magpapatuloy ang illegal na pag patay , panghuhuli dahil sa illegal pet trade at  pagkasira ng mga kagubatan. 

Sa loob ng walong taon ay ipinalalaganap ng Nueva Ecija Exotic Club ang konserbasyon at pangangalaga sa mga exotic pets sa pamamagitan ng mga educational tours sa mga eskwelahan at mga exhibit.  – Ulat ni Amber Salazar

https://youtu.be/3nVaek1yw3g


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *