Negosyante na lalabag sa srp na itinakda ng DTI, ikukulong at pagmumultahin

Papatak mula Php 5,000 hanggang Php 2,000,000 ang multa  at pagkakakulong na hindi bababa sa 5 taon  ang maaaring kaharapin ng mga  malalaking negosyante kung mapatunayan na sila ay lumabag sa SRP o suggested Retail Price na itinakda ng DTI, paglilinaw naman ni Romeo Faronillo ng DTI Nueva Ecija i-aangkop sa taas ng kapital ang laki ng multa na ipapataw sa isang establishimientong lalabag sa SRP .

Kulong at multa ang kahaharapin ng mga malalaking grocery stores at supermarkets kapag sila ay napatunayan na lalabag sa Republic Act 7581 o mas kilala bilang Price act.

Naging maigting ang pagbabanta ng DTI sa buong bansa sa mga presyo dahil sa Train Law na magpapasirit sa presyo ng ilang mga bilihin particular na sa mga produktong may sangkap na asukal.

Ayon sa section 15 ng Republic act 7581 ang pagmamanipula sa mga presyo ng  basic at prime commodities katulad ng noodles, processed foods , meat, poultry, grains, oil , electricity  sa ilalim ng section 5 ay papatawan ng parusang pagkakabilanggo ng hindi bababa ng 5 taon at hindi naman sosobra sa 15 taon at magkakaroon ng  multa na hindi bababa sa 5, 000 Piso at hindi naman sosobra sa 2,000, 000 piso.

Ayon naman kay OIC division Chief Romeo Eusebio Faronilo, ang multa na ito ay dedepende sa laki ng capital ng isang negosyo.

Ang ilan sa pag labag na ito ay ang  Hoarding o pagbili ng higit pa sa 50 % ng karaniwang binibili nito at pag tanggi na ibenta ito sa publiko

Profiteering o mataas na benta sa mga produkto na sobra pa sa dapat na presyo nito.

Pinag-aaralan naman ng DTI ang pagpapataw ng SRP o Suggested Retail Price sa mga Sari-Sari Store. Paglilinaw ng DTI mas mataas ang magiging SRP ng mga Produkto na ito kumpara sa mga malalaking grocery stores dahil karaniwan ng nabibili ng mga sari-sari stores ang kanilang mga paninda  na sagad na sa SRP na itinakda ng DTI.

Sa ngayon ang SRP na itinakda ng DTI ay para sa mga grocery at Supermarkets na may capital na hindi bababa sa 100,000 piso. – Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *