‘Negosyo Serbisyo sa Barangay’ ng DTI, inilunsad sa bayan ng Talugtug

Halos dalawang daang mamayan ng Barangay Baybayabas sa bayan ng Talugtug ang dumalo sa ginanap na ‘Negosyo Serbisyo sa Barangay’ ng DTI o Department of Trade and  Industry  na ginanap kahapon July 24, 2019.

Ito na ang ika-pitong ‘Negosyo Serbisyo sa Barangay’ ng DTI sa buong lalawigan.

Ayon kay DTI-3 Regional Director Judith Angeles, Ito ay bagong programa ng DTI na ibinababa sa pamayanan alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapadami ang negosyante sa pamayanan.  Kaya sila mismo aniya ang

nagpupunta sa mga Barangay  dahil hirap ang mga ito na magpunta sa siyudad para magpa-asisti sa kanilang negosyo.

Gusto anila na turuan at hubugin ang mga mamayan ng Baybayabas  na maging ganap na ‘entrepreneur’  o negosyante para magkaroon ng kabuhayan lalo higit marami aniyang mga magsasaka at mga raw materials  ang Baybayabas na pwedeng pagkakitaan.

Isa lamang si Shiela Costales ng bayan ng Talugtug na natulungan ng DTI sa kaniyang negosyo na Native Crafts. Ang DTI aniya ang nagbukas sa kaniya ng pinto para mas makilala ang kaniyang negosyo sa loob at labas ng bansa.

Nagpasalamat naman si Melanie Dource, Owner ng Aldrina’s Chocoa Product and Sweet Collections, dahil nabigyan siya ng pagkakataon  ng DTI na makapagbahagi ng kaniyang kaalaman at kakayanan sa pagnenegosyo sa mga SME o Small and Medium Entreprises.

Hinikayat naman nito na wag matakot magsimula sa kanilang negosyo dahil handa naman aniyang tumulong sa mga ito ang DTI  at iba pang ahensya ng gobyerno-Ulat ni Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *