NEPCI Media Building, pinasinayaan

   Opisyal ng binuksan ang kauna-unahang 2 storey building ng Nueva Ecija Press Club Inc (NEPCI) sa lalawigan, na itinayo sa loob ng Nueva Ecija Police Provincial Office(NEPPO), Cabanatuan City.

   Ito ay pinangunahan ni Former Gov. Aurelio “Oyie” Umali, na siyang nagsimula ng proyekto para sa mga mamahayag ng probinsya.

   Aniya, hindi man ito umabot sa kanyang termino ay hindi kalabisan upang hindi niya tuparin ang kaniyang binitawang pangako.

   Dagdag pa ni Umali, mas pinili niya na maitayo ito malapit sa tanggapan ng neppo upang mabigyan ng seguridad ang mga mamahayag sa pagganap ng kanilang trabaho.

   Sa kasaysayan ng Nueva Ecija ay ngayon lamang nagkaroon ng ganitong klaseng gusali na inilaan para sa mga lokal na mamamahayag.

   Kaya naman, lubos ang pasasalamat ni Grace Sansano, Presidente ng NEPCI, sa pangakong tinupad ni Gov. Oyie Umali at sa suporta ng kanyang maybahay at kasalukuyang Punong Lalawigan Gov. Cherry Umali.

   Ang NEPCI Media Building ay magsisilbing opisina ng mga lokal na mamahayag sa probinsiya. Ito ay gagamitin upang lalong makapaglingkod ang local media sa mga novo ecijano.

Provincial Director’s Quarter, NEPPO Compound, Cabanatuan City.
Provincial Director’s Quarter, NEPPO Compound, Cabanatuan City.

    Samantala, kasabay ding pinasinayaan noong araw na yun ang Provincial Director’s Quarter sa NEPPO Compound, Cabanatuan City.

   Buena mano na magtitira dito ay si acting Provincial Director Manuel Cornel.

   Ang pagbubukas ng PD’S Quarter ay dinaluhan din ni Former Gov. Umali, Rev. Fr Arnold Abelardo, mga kapulisan at media. -Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *