NEUST AT Wesleyan, muling sasalang sa finals ng NECSL Women’s Volleyball

Muling sasalang sa finals ng Nueva Ecija Collegiate Sports League Season 8 Women’s Volleyball ang magkaribal na koponan ng Nueva Ecija University of Science and Technology at Wesleyan University Philippines mamayang alas-onse ng umaga, November 13 sa Araullo University Gymnasium.

Ito ay matapos na pulbusin ng NEUST Phoenix ang No. 4 seed Central Luzon State University (CLSU) Green Cobras at Wesleyan Riders ang No. 3 seed College of Immaculate Concepcion (CIC) Kings sa Semi-final Round noong Lunes, November 11.

Sa pagitan ng Riders at Kings, gitgitan ang naging score sa 1st set, 25-23.

Pagdating ng 2nd set, tuluyan ng pinataob ng Riders ang Kings sa pamamagitan nina Faith Salcedo at Desire Anne Arocena, 25-12.

Tumipa ng 12 points si Salcedo at 10 points naman para kay Arocena.

Sa Game 2, humataw sina Anne Mauro at Cj Cayanga upang pamunuan ang Phoenix kontra Green Cobras sa dalawang sets, 25-12, 25-11.

Nagkulang sa depensa at opensa ang Green Cobras dahilan upang muling makuha ng Phoenix ang pagkakataon na makapasok sa finals.

Ito na ang ika-anim na pagkakataon ng paghaharap ng dalawang koponan sa paliga.

Waiting na rin sa finals ang defending champ CLSU volleyball men matapos na lampasuhin sa bisa ng 25-21, 25-18 pagwalis sa CRT Blue Fox.

Bumanat si Daryll Collado ng 11 points na dinagdagan pa ni ZM Santiago ng 9 points para sa koponan.

Habang nasilat sa twice to beat advantage ang Phoenix kontra Riders na umabot sa tatlong sets sa volleyball men tournament, 16-25, 25-20, 20-25.

Nakuha ng Riders ang unang panalo sa pangunguna nina Ryan Salamanca na umukit ng 13 points at Kenneth Santos na nag-ambag ng 9 points.

Bukas ng alas 9:30 ng umaga nakatakdang magsalpukan para sa do or die game ng NEUST and WUP men’s division.

Samantala, naipwersa ng Wesleyan Riders men’s basketball ang stepladder semifinals match laban sa No. 2 seed Midway Vikings sa winner-take-all sa impresibong 86-76 panalo.

Pinangunahan nina Jeremy Ingusan ang hataw ng Riders sa naiskor na 32 puntos, 5 rebounds, 3 assists,  2 steals at Balondo na kumamada ng 13 puntos, 2 rebounds at 2 assists .

Gaganapin ang do or die game 2 mamayang alas 4 ng hapon.

Habang maglalrong muli sa ikalimang pagkakataon ang defending champion NEUST Phoenix sa final match ng men’s basketball matapos na talunin ang MVGFC Ambassadors, 85-74.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *