NEUST at WUP, siniguro ang twice-to-beat advantage sa Women’s Volleyball ng NECSL

Siniguro ng defending champion Nueva Ecija University of Science and Technology na walang gurlis ang kanilang katauhan sa pagtatapos ng quarter final round ng NECSL Season 8 women’s volleyball tournament kahapon, November 6 na ginanap sa NEUST Sumacab Gymnasium.

Tiniyak ng koponan na makukuha nila ang ika-apat na panalo sa Central Luzon State University, 29-27, 25-21 na pinangunahan ni Mauro na nag-ambag ng 16 points mula sa 6 attacks, 4 blocks at 6 service aces.

Nasungkit ng Wesleyan University Philippines ang Rank 2 sa palaro matapos na patumbahin ang College of Research and Technology, 25-19, 25-20. Nag-ambag ng 9 points mula sa 4 attacks, 5 service aces si Arocena para sa Riders.

Nasa pangatlong pwesto ang College of Immaculate Concepcion matapos na makamit ang winner by default sa CLSU Green Cobras at dikitang laban kontra CRT Blue Fox na umabot sa tatlong sets, 27-25, 24-26, 15-11. Namuno si Balagtas na umukit ng 19 puntos.

Samantala, bumaba naman sa 4th place ang Green Cobras kahit tangan nito ang 2-2 standing kapareho sa Riders at Kings.

Makakaharap ng koponan sa semifinals ang topseed at twice to beat NEUST na siyang tumalo sa kanila ng dalawang beses simula umpisa ng paliga.

Nakatakda namang makasagupa ng Kings ang second seed at twice to beat Riders sa darating na Lunes, November 11 sa Araullo University Gymnasium.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *