NEUST men’s volleyball, binawian ang Wesleyan sa do-or-die game ng semis

Sa Game 2 ng Men’s Volleyball, naipanalo ng Nueva Ecija University of Science and Technology ang do-or-die game sa stepladder semifinals makaraang pataubin ang Wesleyan University Philippines upang maitakda ang kanilang ika-apat na final appearance sa NECSL Season 8 kahapon, November 13 sa Araullo University Gymnasium.

Inangkin ng Phoenix ang tagumpay sa three sets, 25-21, 21-25, 25-21 na pinamunuan ni Jovanie Santiago na umatake ng 22 points mula sa 9 attacks, 5 blocks at 8 service aces.

Makakaharap muli ng Phoenix sa final match ang defending champion Central Luzon State University sa ika-apat na pagkakataon sa best of 3 at battle for 3rd and 4th place sa pagitan ng Wesleyan at CRT na magsisimula ngayong araw, November 14.

Sa iba pang laro, sinimulan na ang Game 1 sa pagitan ng NEUST Phoenix kontra Wesleyan Riders para  sa final match ng Women’s Volleyball.

Winalis ng Phoenix ang kanilang karibal Riders sa tatlong sets, 25-9, 25-7, 25-18.

Namuno si Crystal Rayo para sa NEUST sa iniskor nitong 9 points mula sa 4 attacks at 5 service aces.

Umaasa naman ang Riders na sa Game 2 ng finals ay makukuha na nila ang momentum para sa girls division ng volleyball.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *