NEUST, MIDWAY, WUP AT MVGFC, pasok sa semis ng Men’s Basketball ng NECSL Season 8

Nanguna sa final 4 sa semifinal round ang koponan ng NEUST Phoenix na may 5 panalo sa pagtatapos ng quarter final round ng Nueva Ecija Collegiate Sports League Season 8.

Tinalo ng Phoenix sa unang araw ang MVGFC Ambassadors sa final score na 67-63. Pinangunahan ni De Jesus ang laban na umukit ng 20 pts, 3 rebounds, 3 assists at 2 steals.

Sumunod na pinadapa ng nasabing koponan ang OLSCHO Aces, 116-54 at CIC Kings, 106-69. Namuno sa opensa si Andasan sa parehong laro na nag-ambag ng 19 pts, 2 rebounds, 2 assists, 2 steals at 18 pts, 6 rebounds, 3 assists at 3 steals.

Mahigpitan namang pinaglabanan ng Midway Vikings at NEUST Phoenix ang No. 1 spot sa Final 4 nitong Lunes, sa bandang huli wagi ang Phoenix, 80-76.

Sa day 5 ng quarter finals, nahirapan ang NEUST kontra Wesleyan simula 1st hanggang 3rd quarter, 22-19, 33-37, 51-50.

Pagdating 4th quarter, pinilit na ng Phoenix na tambakan ng 13 ang Riders, 75-62 sa pangunguna ni Guillermo na umukit ng 21 points, 7 rebounds.

Pasok rin sa semifinal round ang Midway Colleges Vikings 4-1 na nakuha ang No. 2 spot sa Final 4.

Sumunod ang Wesleyan University Philippines Riders na may 3-2 standing at Manuel V. Gallego Foundation College na tangan ang 2-3 standing.

Siniguro ng NEUST at Midway ang twice-to-beat advantage sa darating na semis sa November 11 at 12 ganap na ala-1:30 ng hapon sa Araullo University Gymnasium.

Ang nasabing palaro ay handog ng pamahalaang panlalawigan sa mga kolehiyo at unibersidad sa pangunguna nina Governor Aurelio Umali at Vice Governor Anthony Umali sa pamamagitan ng Sports and Youth Development Services Office.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *