NEUST Phoenix at CIC Kings, win by default sa ika-5 araw ng Women’s V-Ball Elimination Round sa NECSL Season 7

Sa ikalimang araw ng Elimination Round noong October 6, 2018 ng Women’s Volleyball sa Nueva Ecija Collegiate Sports League o NECSL Season 7 ay walang kahirap-hirap na napanalunan ng NEUST Phoenix at CIC Kings ang laro kontra OLFU at MVGFC Ambassadors.

Dahil sa hindi pagsipot ng dalawang koponan sa itinakdang oras at araw ng kanilang laro ay opisyal ng idineklarang panalo ang NEUST Phoenix at CIC Kings.

Habang malaking puntos naman ang iniungos ng WU-P Riders laban sa OLSCHO sa score na 25–16 at 25–10.

Sinubukan man ng ELJ Hawks na makabawi sa 2nd set kontra NEUST Phoenix ay hindi pa rin ito nagtagumpay at ang huli pa rin ang nanalo sa puntos na 25-8 at 25–19.

Samantala, maging sa Men’s Volleyball ay patuloy pa rin ang pamamayagpag ng NEUST Phoenix.

Sa unang game ng laro ay ipinamalas ng Phoenix ang kanilang lakas laban sa OLFU sa score na 25–7 at 25–14.

Sa ikalawang game ay tuluyan namang naghari ang CIC Kings sa score na 25–16 at 25–21 kontra CRT Blue Fox.

Mas nanaig naman ang bangis ng kamandag ng CLSU Green Cobras kontra WU-P Riders sa puntos na 25–18 at 25–9.

At sa huling laro, ay nahirapan na maka puntos sa 1st set ang OLSCHO vs ELJ Hawks. Dumikit man ang score sa 2nd set, ay panalo pa rin ang Hawks sa puntos na 25–10 at 25–20.

May nalalabi na lamang tatlong laro ang siyam na koponan para sa Elimination Round at malalaman na kung sino-sino ang magbabanggaan sa Semi-Finals ng NECSL Season 7. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *