NEUST Phoenix, dalawa na ang panalo sa unang araw ng Quarter Final Round ng Women’s Vollleyball sa NECSL 8

Tagumpay ang NEUST Phoenix na makakuha nang dalawang panalo matapos talunin ang mga katunggali sa unang araw ng Quarter Final Round ng Women’s Volleyball sa NECSL Season 8 na ginanap sa kanilang home court sa NEUST Sumacab Gym, Cabanatuan City, noong October 30, 2019.

Unang nakalaban ng Phoenix ang CRT Blue Fox. Sa unang set pa lamang ay hindi na pinausad ng NEUST ang CRT sa score na 25-10.

Pagdating sa second set mas lalong nahirapan na makahabol ang CRT kaya’t walang kahirap-hirap na tinapos ng NEUST ang game sa score na 25-9 pabor sa kanila.

Nakuha ni Jersey #9 Regatcho ang best player ng makapag ambag ito ng 12 points.

Matapos makatikim ng unang panalo ay mas lalong ginanahan ang mga manlalaro ng NEUST Phoenix ng umusad ang ikalawa nilang laro kontra naman ngayon sa CIC Kings.

Sa unang set ay tinuldukan ng Phoenix ang score sa 25-14. Habang sa ikalawang set ay pinilit na humabol ng Kings ngunit mas nanaig ang lakas ng Phoenix kaya’t muling nanalo ang huli sa score na 25-19.

Best player naman si Jersey #4 Mauro sa kontribusyon nitong 13 points.

Hindi man pinalad ang CIC Kings sa laban ay walang kahirap-hirap naman nilang nakuha ang isang panalo kontra CLSU Green Cobras matapos na ideklara na sila ang winner by default.

Nabawasan man ng isang panalo ang CLSU Green Cobras ay binawi naman nila ito ng makalaban ang WU-P Riders.

Sa paghaharap sa 1st set ay maganda ang naging laban ng dalawang koponan pero nagtapos ito sa score na 25-19 lamang ang CLSU.

Habang sa ikalawang set ay dikitan ang naging laban, ngunit mas nanaig ang bagsik ng Cobras sa score na 25-23.

Itinanghal na best player si Jersey 31 Ventura sa kaniyang 14 points. Kung sino-sino ang maghahari ngayong taon ay patuloy na tutukan yan sa papalapit na papalapit na Championship Round ng NECSL Season 8. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *