NEUST PHOENIX, IPINAGBUNYI ANG PAGAKAPANALO SA FINALS NG NECSL MEN’S BASKETBALL PAGKATAPOS NG DALAWANG TAON

MULING NAKAMIT NG NEUST PHOENIX ANG TITULO SA MEN’S BASKETBALL NG NECSL SEASON 5 KONTRA CLSU GREEN COBRAS SA GAME 3 NG BEST OF 3 SERIES.
MULING NAKAMIT NG NEUST PHOENIX ANG TITULO SA MEN’S BASKETBALL NG NECSL SEASON 5 KONTRA CLSU GREEN COBRAS SA GAME 3 NG BEST OF 3 SERIES.

   Matapos ang dalawang taon, sa wakas muling nabawi ng NEUST Phoenix ang kampeonato sa Men’s Basketball ng NECSL Season 5 matapos talunin ang CLSU Green Cobras sa game 3 ng Finals, 89-74.

  Taong 2013 ng huling mahawakan ng koponan ang kampeonato. Kaya naman, masayang masaya ang mga ito nang muli nilang makamit ang panalo.

Sa kanyang huling laro para sa koponan ng NEUST, naiuwi ni Isaiah Cabigao ang Most Valuable player na umani ng kabuuang puntos na 253, kasama ang kanilang president na si Dr. Feliciana P. Jacoba.
Sa kanyang huling laro para sa koponan ng NEUST, naiuwi ni Isaiah Cabigao ang Most Valuable player na umani ng kabuuang puntos na 253, kasama ang kanilang president na si Dr. Feliciana P. Jacoba.

  Itinanghal na Finals Most Valuble Player si Isaiah Cabigao na nagtala ng 253 points sa kabuuan. Ayon sa kanya, hindi naging madali para sa kanila na talunin ang CLSU.

   Sa naging laban ng dalawang koponan, dikitan ang bakbakan simula 1st to 3rd quarter.

   Sa 1st quarter, matinding depensa ang ipinakita ng NEUST Phoenix at CLSU Green Cobras. Sa nalalabing oras na 1:43 seconds, tabla sa 23 puntos ang laban. Sa 10 segundong natitira, pumuntos si Jomento ng CLSU, dahilan upang umabante sa 3 lamang ang CLSU, 30-27.

   Pagtuntong ng 2nd quarter, hindi na pinabayaan ng CLSU na lumamang ang NEUST. Sa pagtatapos nito, lamang pa rin ang CLSU ng apat na puntos, 53-49.

   Sa 3rd quarter, nagpaulan ng 3 points shot ang mga manlalaro ng NEUST na sina Poblete, Cabiagao at Tolentino kasama ang mga power move ni Baldeh para lumamang ang NEUST, 71-65.

   Pagpasok ng 4th quarter, pumabor ang laban sa NEUST. Sa tulong-tulong na pagpuntos nina Tolentino, Santos at Tadeo ng NEUST, tinambakan ng 15 na puntos ang CLSU sa pagtatapos ng last quarter, 89-74 dahilan upang makuha nilang muli sa ikalawang pagkakataon ang kampeonato.

  Nagpasalamat naman ang coach ng CLSU Green Cobras na si John Agathon sa kanyang mga manlalaro at sa pagkapanalo ng NEUST.

NEUST PHOENIX, IPINAGBUNYI ANG PAGAKAPANALO SA FINALS NG NECSL MEN’S BASKETBALL PAGKATAPOS NG DALAWANG TAON NEUST PHOENIX, IPINAGBUNYI ANG PAGAKAPANALO SA FINALS NG NECSL MEN’S BASKETBALL PAGKATAPOS NG DALAWANG TAON

   Kabilang sa mythical 10 sina Edgie Jejillos at Romeo Garcera Jr. ng CIC Kings, Isaiah Cabigao, Juan Romano Tolentino, at Romeo Poblete ng NEUST Phoenix, Julius Carlo Soriano, Jeric Jomento at Erwil Balmores ng CLSU Green Cobras, Nilo Gonzales ng GJC Generals at Jeremy Ingusan ng WUP Riders. Habang naiuwi naman ni Justin Bryl Jose ng CLSU ang Sportsmanship Award.

    Ang Nueva Ecija Collegiate Sports League ay programa ng pamahalaang panlalawigan na sinimulan noong 2012 sa pangunguna ni Former Governor Aurelio “Oyie” Matias Umali na ipinagpatuloy ni Governor Czarina “Cherry” Domingo Umali sa pakikipagtulungan ni Vice Mayor Doc Anthony Umali ng lungsod ng Cabanatuan.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *