NEUST PHOENIX NG WOMEN’S VOLLEYBALL AT CLSU GREEN COBRAS NG MEN’S VOLLEYBALL, WAGI SA GAME 1 NG FINALS NG NECSL SEASON 5

NEUST Phoenix, tinalo ang CLSU Green Cobras sa game 1 ng finals
NEUST Phoenix, tinalo ang CLSU Green Cobras sa game 1 ng finals

   Nakamit ng NEUST Phoenix ang unang panalo sa finals kontra CLSU Green Cobras sa best of 3 series ng NECSL Women’s Volleyball.

   Matinding depensa at opensa ang ipinamalas ng mga manlalaro ng NEUST sa dalawang magkasunod na set, 25-11, 25-23.

   Sa set 3 at set 4, agad na bumawi ang CLSU sa pangunguna nina Tintero at Ventura ng CLSU, 25-22, 25-17.

   Pagtuntong ng set 5, kinapos na ang CLSU sa paghabol ng puntos sa NEUST, 15-12.

   Masaya ang naramdaman ng team captain ng NEUST na si Rowena Roldan na siya ring nanguna sa kanyang grupo na may 31 puntos.

   Ayon sa kanilang coach na si Dulf Marius Salvador, kailangan nilang mapalakas ang kanilang depensa at opensa upang makamit muli ang titulo sa Volleyball Women.

CLSU Green Cobras, matinding depensa ang ipinakita sa Men’s Volleyball; wagi sa game 1 ng finals kontra NEUST Phoenix
CLSU Green Cobras, matinding depensa ang ipinakita sa Men’s Volleyball; wagi sa game 1 ng finals kontra NEUST Phoenix

   Samantala, hindi na pinaporma pa ng CLSU Green Cobras Men’s Volleyball ang NEUST Phoenix kahapon sa game 1 ng finals.

   Sa pagbibida nina Imman Joshua Canoza at Louie Cruz, ang CLSU Green Cobras ay umukit ng 25-15, 25-19, 20-25, 26-24.

   Positibo naman ang kanilang assistant coach ng CLSU na si Von Monta na makukuha nila ang titulo sa 1st ever Men’s Volleyball ng NECSL.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *