NEUST PHOENIX, PINATIKIM ANG UNANG TALO SA CRT BLUEFOX SA QUARTER FINALS NG WOMEN’S VOLLEYBALL

 Sinubukan ng CRT Blue Fox na talunin ang NEUST Phoenix ngunit bigo na maipanalo ang laban.
Sinubukan ng CRT Blue Fox na talunin ang NEUST Phoenix ngunit bigo na maipanalo ang laban.

   Sa pagbabalik ng NEUST Phoenix sa ikalimang serye ng NECSL Women’s Volleyball, pinatikim nito ang kauna-unahang pagkatalo sa defending champion na CRT Blue Fox sa Quarter Finals.

   Sa 1st set, malinaw sa panig ng NEUST na talunin ang CRT kaya naman maaga nitong tinapos ang laban.

   Pagdating ng 2nd set, sinubukan ng CRT na bumawi. Hindi nagpaawat sina Cachero at MVP Bautista na madepensahan ang kanilang titulo. Hanggang sa nagtagumpay ang CRT na maitabla ang laban sa 2nd set, 29-27.

   Sa 3rd set, mas nag-init ang mga manlalaro ng NEUST. Sa pamamagitan ng kanilang Captain Ball na si Roldan, mas pinalakas nito ang palo na sumira sa depensa ng kalaban. Umani si Roldan ng 16 na puntos sa pagtatapos ng 3rd set.

WUP Riders, nasilat sa NEUST Phoenix
WUP Riders, nasilat sa NEUST Phoenix

   Samantala, nasilat ang WUP Riders ng makaharap muli ang NEUST Phoenix. Sa pamamagitan nina Roldan, Esquivel at Sawit, hindi na pinaporma pa ng Phoenix ang Wesleyan sa 2 sets ng laban, 25-22, 25-14.

Kauna-unahang pagkakataon ng WUP Riders na maipanalo ang laban sa Quarter Finals ng Women’s Volleyball
Kauna-unahang pagkakataon ng WUP Riders na maipanalo ang laban sa Quarter Finals ng Women’s Volleyball

   Habang nanalo naman ang Wesleyan kontra sa GJC Generals. Ito ang kauna-unahang panalo ng Wesleyan, 25-13, 25-21, matapos magapi sa mga koponan ng CLSU Green Cobras, CRT Bluefox at NEUST Phoenix.

CLSU Green Cobras, 3-0 pa rin ang kartada sa day 2 ng Quarter Finals ng Women’s Volleyball Tournament.
CLSU Green Cobras, 3-0 pa rin ang kartada sa day 2 ng Quarter Finals ng Women’s Volleyball Tournament.

   Wala pa ring bahid ng pagkatalo ang CLSU Green Cobras sa laban. Sa day 2 ng Quarter Finals, tinalo nila ang ELJMC Black Ravens sa 2 sets, 25-18, 25-13 sa pagbibida ni Ventura na nagtala ng 9 na puntos.

   Abangan sa October 20, Huwebes ang matinding sagupaan ng CRT Bluefox kontra CLSU Green Cobras, 8:30 ng umaga at NEUST Phoenix kontra CLSU Green Cobras, 11:30 ng umaga na gaganapin sa Fatima Gymnasium. –Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *