NEUST, WUP AT CLSU, panalo sa day 2 ng quarter finals ng Women’s Volleyball

Sa kaugnay na balita, nakuha ng women’s volleyball NEUST Phoenix ang ikatlo nitong panalo matapos na talunin ang Wesleyan Riders na umabot sa tatlong sets, 25-9, 22-25, 17-15. Pinangunahan ni Ann Mauro ang Phoenix na  nagtala ng 10 puntos.

Ngunit bumawi naman ang Wesleyan ng panalo sa CIC Kings sa dalawang sets ng laban, 25-19, 25-17. Tumipa ng 11 points si Alliah Gonzales para sa Riders.

Habang umukit ng 15 markers si Jan Angela Marcos ng CLSU Green Cobras upang pulbusin ang CRT Blue Fox sa dalawang sets ng laban, 25-16, 18-25, 15-7.

Ang team standing para sa Women’s Volleyball as of today, November 6, 2019, nasa top spot ang NEUST 3-1, CLSU 2-1, WUP 1-2, CIC 1-2 at CRT 0-2.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *