New born kits, school bags at school supplies, ipinamahagi ng mga miyembro ng Mason mula sa New York

Nagpamahagi ng mahigit kumulang isang daang pirasong new born kits at school bags na may school supplies ang mga Pinoy na miyembro ng Free Masonry Park Lodge No. 516 na mula sa New York sa mga pasyente ng dalawang pampublikong ospital sa Nueva Ecija.

Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan, ito na ang ikatlong pagkakataon na umuwi ang mga Pinoy na mula sa amerika upang magpaabot ng tulong sa mga kapus palad na pasyente.

Ayon kay Ian Lopez ng kapatiran, malapit sa puso niya ang mga Novo Ecijano dahil siya mismo ay isang Cabanatueño.

Layunin aniya ng kapatiran na taun-taon ay makapagbigay ng tulong mula sa mga kababayan na nangangailangan kahit ito ay munting bagay lamang.

Bukod sa gift giving ay nag-iwan din ng tig-isang 50” flat tv ang Mason sa PJG hospital at ELJ hospital na lubos naman na ipinagpasalamat ng mga benepisyaryo.

Ninanais ng grupo na sa mga susunod na taon ay mas makapag-isip pa ng ibang mga paraan upang mas lalong makatulong sa mga kababayan. –Ulat ni Danira Gabriel

Watch – New born kits, school bags at school supplies, ipinamahagi ng mga miyembro ng Mason mula sa New York


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *