NGCP, may malawakang black out sa Nueva Ecija at Aurora

Inanunsiyo ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na makararanas ng sampung oras na pagkaantala ng kuryente sa ilang bahagi ng probinsiya ng Nueva Ecija at Aurora sa araw ng huwebes, April 19, 2018.

Ayon kay NGCP Communications Lead Specialist Ernest Vidal, ang temporary shutdown ay magsisimula ng alas-siyete ng umaga hanggang ala-singko ng hapon upang bigyang daan ang gagawing regular maintenace ng NGCP mula Cabanatuan hanggang San Luis, Aurora.

Ang mga lugar na maapektuhan ng malawakang black out ay ang Nueva Ecija Electric Cooperative II-Area 1 na nasasakupan ng Talavera Substation, Nueva Ecija Electric Cooperative II-Area 2 na kinabibilangan ng Bongabon, Natividad at Gabaldon Substations at Aurora Electric Cooperative (AURELCO).

Base sa datos ng NGCP kahapon araw ng martes, April 17, ay nasa 11,451 megawatts ang supply ng kuryente sa Luzon, habang ang demand naman ay nasa 9,911 megawatts na nagreresulta sa 1,540 megawatts na reserba.

Ngunit, nakadepende pa rin aniya sa mga planta ng kuryente kung sasapat ang supply sa mga susunod na araw.

Panawagan ng NGCP sa mga konsumedores, na sana ay maunawaan sila sa panandaliang pagkawala ng kuryente dahil aniya ang aktibidad ay nakasentro upang maiwasan ang mas matagal na abala sa serbisyo. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *