Novo Synthesis Cactus and Succulents fair, dinagsa

Lubos ang naging kasiyahan ng Guild of  Novo Ecijanos Cactus and Succulents Growers ng ma-sold out ang kanilang ticket para sa Novo Synthesis Cactus and Succulents  fair  na sinuportahan ng mga cactus growers at enthusiasts  sa  lalawigan.

Nagpapasalamat si  Jo Marie Belena Presidente ng Guild of Novo Ecijano Cactus and Succulents Growers dahil sa  suporta  ng mga dumalo sa Cactus and Succulents fair   na umabot sa 300 katao.  Hindi aniya  nya akalain na kukulangin ang 200 ticket na kanilang inihanda at aabot sa 300 katao ang pupunta sa  event na ginanap sa  Old Capitol Auditorium.

Marami din na bentang cactus and succulent si Flordeliza Bautista   na 2010 pa lamang ay  nagpaparami ng cactus bilang isang hobby at business na rin.

Naka display sa fair  ang iba’t ibang uri ng cactus at succulents mula sa mga rare hanggang sa mga common at kakaibang uri ng cactus na mayroong ibinebenta at naka exhibit.  Nagkaroon din ng raffle at seminar para sa mga nais mag alaga ng cactus at succulents.

May mga uri rin ng succulents na makikita sa fair katulad ng lithops na tinaguriang living stone dahil sa kakaibang itsura nito na karaniwang natatagpuan sa South Africa.

May mga uri ng halaman katulad ng succulents na magandang alagaan sa loob ng bahay katulad ng aloe vera at snake plants na ilan sa mga kilalang halaman na tinaguriang mga air purifiers.

Para sa mga cactus growers hindi lamang nakatutulong sa  kalikasan  ang pag aalaga ng cactus at succulents dahil ito ay isang magandang hobby  na nakaka relax  at bagay sa mga taong busy dahil madalang lamang ang pag didilig sa mga ito.  – Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *