Nueva Ecija, isinailalim sa State of Calamity

Nagdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Nueva Ecija noong september dahil sa laki ng pinsalang iniwan ng bagyong Ompong sa sektor ng agrikultura.

Base sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management  Council ay inaprubahan sa regular session ng sangguniang panlungsod noong September 25, 2018 ang panukala na isailalim sa state of calamity ang lalawigan.

Ayon kay Michael Calma ng PDRRMO, umabot sa p2.8 billion ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyo sa probinsiya.

Pumalo ng p2.7 billion ang halaga ng nasirang pananim sa palay, p63 million sa high value crops, p1.8 million sa mais at p3.7 million sa livestock and poultry.

Pagdating sa mga bayan at lungsod na pinakanaapektuhan sa palay, nangunguna ang bayan ng Llanera na may halagang p385 million, pangalawa ang lungsod ng Muñoz na may p244 million at pangatlo ang bayan ng Jaen na may p232 million.

Sa kasalukuyan ay pinoprograma na ng Office of the Provincial Agriculturist ang ibibigay na ayuda sa mga magsasaka.

Umabot naman ng p70 million ang nasira sa imprastraktura ng Department of Public Works and Highways 1 and 2 at Provincial Engineering District.

Halos labing anim na libo naman ang naapektuhan na pamilya ng bagyo. Habang dalawa ang naiulat na namatay, sina Catherine Garcia de Guzman ng San Jose City at Janet Balong ng bayan ng Cuyapo na kapwa nabagsakan ng puno. – ulat ni DANIRA GABRIEL


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *