Nueva Ecija PDRRMO, nagsagawa ng disinfection sa mga opisina at substation ng NEECO 1

Nagsagawa ng disinfection ang Nueva Ecija Provincial Disaster Risk Reduction Management Office sa mga opisina at substations ng Nueva Ecija Electric Cooperative Area 1 sa mga bayan ng San Isidro, Jaen, Cabiao at Gapan City.

Ito ay tugon ng NE Inter-Agency Task Force sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali sa kahilingan ni NEECO 1 Manager, Engr. Boni Patiag matapos magpositibo sa COVID-19 ang kanilang mahigit dalawampong empleyado kung saan isa rito ay pumanaw noong August 13, 2020.

Base sa tala ng Provincial Department of Health, kinilala ito bilang si patient #303, 53 years old, lalaki, residente ng San Roque, Gapan.

Ayon kay PDRRMO Chief Michael Calma, na pangalawang beses na nila itong ginawa nilang disinfection dito sa NEECO 1.

Simula August 17 ay pansamantalang ipinasara ang lahat ng mga opisina at substations ng NEECO 1 upang bigyang daan ang pagka quarantine ng 200 sa 250 na mga kawani nito ngunit hindi kasama ang mga tauhan sa maintenance at security guards.

August 20, naman nang ipa-swab test ang mga empleyado ng Main Office ng NEECO 1 sa San Isidr.

Sa kasalukuyan ay patuloy namang nagpapagamot at nagpapagaling ang kanilang mga kawani na nagkasakit ng COVID-19.

Makaraan ang dalawang lingo ay muling magbabalik sa operasyon ang NEECO I kabilang ang reading ng mga nakonsumong kuryente at pagbabayad ng bills ng mga consumers.

Nagpasalamat naman ang NEECO 1 sa suporta ng NE IATF. –ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *