Nueva Ecija Press Club Inc., naglunsad ng media forum para sa midterm elections 2019

Buena manong sumabak si former Governor Aurelio Umali sa forum na dinaluhan ng apatnapung local at national media na isinagawa sa De Luxe Hotel, sa Cabanatuan City, noong February 8, 2019.

Kabilang sa mga nakiisa ang mga kinatawan mula sa Nueva Ecija TV 48, Philippine Daily Inquirer, Remate, DWJJ, DWNE, Dahong Palay, PNA, TV 5, Radyo ng Bayan, People’s Journal,Balita, DWMI Radio at Manila Standard.

Ayon kay NEPCI President Antonio Sy Jr. layunin ng media forum na imbitahin ang mga kandidato sa eleksyon upang mabigyan ng pagkakataon na  ibahagi ang kanilang mga hangarin sakaling sila ay  maihalal sa posisyon.

Paliwanag nito na sa pagharap ng mga kandidato sa mga mamamahayag ay mas  makikilala at mapipili ng mamamayan  ang karapat dapat na iboto sa May 13, 2019 elections.

Si Former Governor Aurelio Umali habang sinasagot ang mga katanungan ng mga lokal na mamamahayag.

Sa naturang forum,inihayag ni Atty. Oyie Umali na inirerespeto niya ang mga kagawad ng media dahil kinikilala nya ang mahalagang tungkulin nito sa lipunan na maghatid ng makatotohanang balita sa mamamayan, kaya naman naniniwala sya na dapat may kalayaan sa pamamahayag.

Hiling ni Umali sa mga media ngayong panahon ng halalan ay huwag pansariling interes ang pairalin at huwag magpagamit sa mga pulitiko 

Higit kailanman, ngayon aniya na talamak ang pagkalat ng mga fake news sa social media mas dapat na pangalagaan ng mga lokal na mamamahayag ang kanilang kredebilidad dahil sila rin ang nagsisilbing kinatawan ng mamamayang Novo Ecijano.

Matapos ang forum ay nagpulong ang mga miyembro ng NEPCI at napagkasunduan na magiging mapagmasid at magtutulungan para sa pagpapalaganap ng mga impormasyon at katotohanan na pinaka epektibong sandata laban sa pekeng balita, issues at maging boses ng mamamayan. –ulat ni Clariza De Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *