Number 1 Most Wanted ng Lupao, arestado; motorsiklo ng ginang sa Cabanatuan City, nawawala

Arestado ang Number One Most Wanted person sa bayan ng Lupao sa isinagawang operasyon ng mga pulis sa Baliwag Transit Terminal, Cubao, Edsa, Quezon City noong July 22, 2018.

Kinilala ang suspek na si Lovelle Manangan y Miranda, bente tres anyos, binata, mekaniko at residente ng barangay Salvacion First, Lupao.

Base sa report na natanggap ng Nueva Ecija Police Provincial Office, hinuli si Manangan sa bisa ng Warrant of Arrest para sa mga kasong rape na walang pyansa at Acts of Lasciviousness na may rekomendadong pyansang Php24,000.00 na inisyu ni Presiding Judge eo Cecilio Bautista ng RTC Branch 38, San Jose City.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito, ang suspek ay nasa kustodiya ng Second Police Mobile Force Company habang hinihintay ang commitment order para mailipat ito sa BJMP San Jose.

Samantala, personal na iniulat ni Ellen Kadokura y Jacinto, trenta’y otso, may asawa, naninirahan sa Maharlika Highway, 626 Dahlia Street barangay Mayapyap Sur, Cabanatuan City sa presinto ng pulisya ang pagkawala ng kanyang Kawasaki Bajaj CT100 motorcycle na kulay back at red, walang plaka may engine number DUZWEJL11979 at chassis number MD2A18AY5JWL47594 na huling nakitang nakaparada sa likod ng kanilang tahanan noong July 21, 2018 ala una trenta ng madaling araw .

Sa sinumang may impormasyon o makakita sa motorsiklo ay mangyaring ipagbigay-alam kay P03 Dionisio de Jesus na may cellphone number 09173195465.- ulat ni Clariza de Guzman.

https://youtu.be/RtxSNQGa8gw


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *