Official list of candidates sa Cabanatuan City para sa Election 2019, inaasahang ilalabas sa ikatlong linggo nitong Enero

Sa Inisyal na listahan ng Comission on Elections tatlum pu ang maglalaban – laban na aspiranteng kandidato sa Cabanatuan.

Lima ang kakandidato sa pagka Mayor na kinabibilangan nina Ramon Suka Garcia ng Partidong Unang Sigaw, Myca Vergara ng PDP – Laban at Independyente naman sina Philip Piccio AKA DOBOL P, Lester Mariano at Ferdinand Vergara, tatlo ang kandidato sa pagka Vice Mayor na sina Juanito Alcantara (Independent), Gave Calling ng Partidong Unang Sigaw at Jay Vergara ng PDP – Laban habang dalawam put dalawa naman ang maglalaban – laban sa pagka konsehal.

Ayon kay Comelec Cabanatuan Election Officer Atty. Leilann Generoso R. Manuel sa ikatlong linggo pa ng Enero ilalabas ang pinal ng listahan ng maglalaban – laban na mga kandidato sa Cabanatuan City.

Ani ni Atty. Manuel sa ngayon ay hindi pa niya masasabi kung sino ang mga nadisqualified at idineklarang nuisance o panggulong kandidato dahil nireresolba pa ito ng Comelec.

Alinsunod naman sa Calendar of Activities ng Cabanatuan Comelec sa darating na January 13, 2019 araw ng Linggo magsisimula ang Election Ban, Gun Ban, paghahanda sa mga firearms na gagamitin sa eleksyon at sa mga ididistinong mga Pulis sa kanya – kanyang mga prisinto para matiyak ang kaayusan at mapayapang halalan ngayong taon.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *