“One day free beauty care” sa mga guro ng Nueva Ecija, handog ng Provincial Government

Tuwang tuwa ang mga guro ng iba’t-ibang Pampublikong Eskwelahan ng bayan ng Sta. Rosa sa ipinagkaloob na libreng serbisyong “One day beauty care” ng Provincial Government bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Worlds Teachers Day.

Humigit kumulang sa limang daang katao ang napagkalooban ng mga libreng serbisyo.

Katuwang ng Pamalaang Panlalawigan ang PMTC o Provincial Manpower Training Center na siyang nagsagawa ng libreng hair coloring, hot oil, gupit, manicure-pedicure at body massage.

Ayon kay George Sagum, officer in charge ng Provincial Local School Board, ito ang kaunaunahang pagkakataon na nagkaroon ng programa para mabigyan ng magandang serbisyo at pagpapahalaga ang mga guro sa lalawigan.

Bukod sa Sta. Rosa, nilibot din ng grupo ang mga bayan ng Laur, Natividad, Bongabon, Gabaldon at Palayan City.-Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *