One Time Big Time Pangkalusugan ng PNP, inilunsad sa Nueva Ecija

Sa panayam kay Police Colonel Jezebel Medina ng Regional Health Service 3, sinabi nito na ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng tatlong serbisyong pangkalusugan ang kanilang tanggapan.

Pangunahin ang Free Denture Initiative: Bagong Ngiti sa Dating Ngebu kung saan labing-anim ang napagkalooban ng dalawampo’t anim na libreng pustiso.

Sinimulan umano ang programang ito noong March 2018 at mula noon ay nakapagbigay na ng mahigit dalawandaang pustiso sa mga kapulisan at kanilang pamilya.

Mas pinaigting naman ang Oplan Tokhang Pangkalusugan na nasa ikatlong taon na ngayon na dito lamang sa Central Luzon ginagawa upang matiyak na malusog ang mga pulis sa paggampan ng kanilang tungkulin.

Nagsasagawa ng dental, medical at community-based program sa Nueva Ecija ang RHS 3 sa ilalim ng One Time Big Time Pangkalusugan

Ngayong taon, isinama na ang limang karaniwang nagiging sakit ng kapulisan na resulta ng pagtanda at unhealthy lifestyle.

Base sa progress report ng RHS 3 para sa taong 2018, out of 2, 500 PNP personnel ng Region 3, 80% na ang nagamot ang kanilang mga sakit.

Nangungunang sakit ani Colonel Medina ng mga pulis sa Nueva Ecija ay ang mataas na cholesterol kasunod ang hypertension, pangatlo ang diabetes.

Katuwang ng Regional Health Service 3 ang PJG Hospital sa pagbibigay ng kaalaman at pangangalaga sa kalusugan ng mga miyembro ng NEPPO hanggang sa pagbibigay ng libreng gamot.

Para sa community-based program, nagsagawa ng dental mission at namahagi  ng school supplies at free hygiene kit ang kapulisan sa mga mag-aaral ng Kalikasan Elementary School sa Sitio Bacao barangay Doña Josefa sa Palayan City.- ulat ni Clariza de Guzman

https://youtu.be/p2qE9vTBkdM


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *