Online classes ng ELJMC, maayos ang takbo

Masayang ibinalita ng pamunuan ng ELJ Memorial College sa Palayan City, Nueva Ecija na maayos ang takbo ng kanilang online classes na nasa ikatlong linggo na para ngayong School Year 2020-2021.

Sa panayam ng Balitang Unang Sigaw kay Dr. Marriel Cruz, Presidente ng ELJMC ay inihayag nitong full online ang kanilang klase sa pamamagitan ng google classroom at google meet.

Dr. Marriel Cruz, President of ELJ Memorial College

Kaya naman napakikinabangan na nila ang libreng internet subscription na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali.

May tatlong mag-aaral lamang ani Dr. Cruz ang nagmodular dahil sa mahinang koneksyon ng internet sa kanilang mga lugar.

Imbes naman umano na bumaba ang bilang ng kanilang mga enrollees’, ay tumaas pa ito dahil kumpara noong School Year 2019-2020 na nasa 814 ang mga nag-enroll ngayong taon ay umabot ito sa 975.

Paliwanag ni Dr. Marriel, hahatiin ang 18 linggo ng kanilang unang semestre, halimbawa, ang isang estudyante ay may 8 subjects o asignatura, tatlo lamang dito ang patutukan sa kanya sa loob ng unang anim na linggo ng first semester at ang natitira pang tatlong subjects ay sa susunod na anim na linggo na.

Sa ganitong sistema ay maiiwasang mababad sa gadgets ang mga kabataan dahil tig-dalawang oras lang ang kailangan nilang ilaan bawat subject.

Virtual graduation naman ang tugon ng pamunuan ng ELJMC para sa kanilang mga magsisipagtapos na naranasan an g 115 na mga gumraduate noong nakaraang School Year 2019-2020.— Ulat ni Jovelyn Astrero


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *