OPA-NE, kumpiyansa na masusungkit ang parangal sa National Gawad Saka 2018

Tiwala ang Office of the Provincial Agriculturist na masusungkit ng probinsiya ng Nueva Ecija ang ilang parangal para sa National Gawad Saka: Parangal sa mga natatanging magsasaka at mangingisda 2018.

Matapos makakuha nang anim na panalo ang probinsiya sa regional level.

Ayon kay Provincial Agriculturist Serafin Santos, katatapos lamang ma-validate ng Department of Agriculture (DA) ang mga regional winners para sa national competition.

Ang mga nagwagi sa Region 3 na muling lalaban para sa national level ay sina Fidel Patricio Sr. ng Sto Domingo para sa Outstanding Rice Farmer; Conrado Castillo ng San Leonardo para sa Outstanding Small Animal Raiser; Ernesto Perlas Jr ng Palayan City para sa Outstanding Young Farmer; Pag-asa RIC ng Sto Domingo para sa Outstanding Rural Improvement Club; Nagkakaisang Magsasaka Agricultural PMPC ng Talavera para sa outstanding Small Farmers/Fisherfolk Organization; at Dr. Norvie Manigbas ng Science City of Muñoz para sa Oustanding Agricultural Scientist.

Ang Gawad Saka ay taunang kompetisyon ng DA na layunin na mabigyan ng pagkilala ang mga natatanging lokal na magsasaka, mangingisda at mga organisasyon na tumutulong para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura.

Ang regional awarding sa Gawad Saka 2018 ay gaganapin sa September 7, San Fernando, Pampanga.

Bukod sa mga parangal na natanggap mula sa Gawad Saka ay ipinagmamalaki rin ng OPA ang limang beses na pagkamit ng parangal bilang Rice Achievers Awardee. –Ulat ni Danira Gabriel 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *