OPENING NG INTER-BARANGAY BASKETBALL TOURNAMENT NG MUNISIPALIDAD NG GABALDON, DINALUHAN NI MAYOR ROLANDO BUE AT DOC ANTHONY UMALI

Kitang-kita ang excitement sa mga manlalaro ng ng Barangay Basketball Tournament  ng Munisipalidad ng Gabaldon. Labing dalawang mga barangay ang maglalaban-laban para sa kampeonato para sa taong ito.

Reigning champion ang Poblacion South kung saan i-dedepensa nila ito sa 12 baranggay. Kasali sa liga ngayong taon ang Poblacion South, Poblacion North, Camachille, Sawmill, Cuyapa, Pinamalisan, Pantoc, Calabasa, Bagting, Bugnan, Macasandal at Bagong Sikat.

Todo ang paghahanda ng bawat koponan para masungkit ang kampeonato ngayong taon. Todo rin ang naging suporta ng Provincial Government sa patimpalak na ito  kung saan nagbigay agad  ng pa-premyo bago pa man magsimula ang liga. Nakatanggap ng 1 libong piso ang mga koponan sa opening day ng Inter-Baranggay Basketball tournament.

Sumuporta rin sina Doc Anthony Umali at Roy Sugay sa pagbubukas ng patimpalak. Ang Basketball Tournament na ito ay hindi lamang simpleng liga para sa Provincial Government maaari rin itong makatulong upang magbukas ang pintuan tungo sa panibagong pangarap.

Lubos  ang pasasalamat ni Mayor Rolando Bue sa Provincial Government at sa mga barangay na nakiisa sa Inter-Barangay Basketball Tournament – Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *