Oplan Rody mahigpit na ipinatutupad sa bayan ng Talavera

(Courtesy of Facebook of Municipality of Talavera)

  Mahigpit na ipinatutupad sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija, ang mga alituntunin na nakapaloob sa Oplan Rody.

   Sa aming panayam kay Chief of Police ng Talavera na si  Lieutenent Colonel Alexie Desamito, ipininaliwanag nito ang mga alituntunin na nilalaman ng Oplan Rody o Rid the street of Drunkards and Youth.

   Una na rito ang Discipline Hour o Curfew Hour mula alas dies ng gabi hanggang alas tres ng madaling araw para sa mga kabataan edad labing walo pababa, hindi kasali rito ang mga menor de edad na kailangan pumunta ng ospital dahil may biglaang sumakit sa katawan at may kasamang magulang.

   Ikalawa, ang No drinking of liquor in Public places o bawal uminom ng alak sa mga pampublikong  lugar, tulad ng Simbahan, Paaralan, at Palengke mula alas dies ng gabi hanggang alas singko ng madaling araw, para makaiwas sa anumang aksidente o kaguluhan.

   Ikatlo, ang Videoke and loud Motorcycle muffler Ban o pagbabawal sa mga maiinagy na tambutso ng motorsiklo at mga nag-vivideoke mula alas dies ng gabi hanggang alas otso ng umaga, ito ay upang maiwasan ang makaistorbo ng mga natutulog at mapanatili ang katahimikan sa dis oras ng gabi.

   Ikaapat, ang Half naked at No smoking in Public places o ang pagbabawal sa mga lalaking nakahubad ang pang-itaas na damit at naninigarilyo sa kalye at pampublikong lugar.

Sinabi pa ni Desamito, na gabi gabi silang nagpapatrol sa lahat ng Barangay sa bayan ng Talavera upang siguraduhing sumusunod sa naturang patakaran ang mga residente at mapanatili ang katahimikan sa kanilang  munisipalidad.

   Dagdag pa nito, ang lahat ng ipinatutupad na alituntunin ay may kaukulang multa at parusa, sa unang paglabag ay maaring mag multa ng limangdaang piso, isang libong piso naman sa  ikalawang paglabag at multang isang libong piso at community service sa loob ng isang araw ang kaparusahan sa ikatlong paglabag.

   Base sa huling tala ng PNP Talavera noong buwan ng Enero nasa limampu’t anim na katao ang naaresto dahil sa paglabag sa Oplan Rody, labing walo dito ay lumabag sa No smoking ban at tatlumpu’t walo naman ang lumabag sa Curfew Hours.

   Habang nasa tatlumpu’t apat na baril naman ang nakumpiska nila magmula ng ipatupad ang  Election Gun Ban, labingsiyam dito ay 45 pistol, tatlong 38 revolver, siyam na 9mm pistol, isang 22 pistol at isang 32 pistol.

   Nagpaalala din si COP Lt. Col. Alexie Desamito na sundin ang mga alituntunin upang mapanatili ang katahimikan sa lugar at tuluyan ng maging isang siyudad ang  bayan ng Talavera.


   Una na rito ang Discipline Hour o Curfew mula alas dies ng gabi hanggang alas tres ng madaling araw para sa mga kabataan edad labing walo pababa, hindi kasali rito ang mga menor de edad na kailangan pumunta ng ospital dahil may biglaang sumakit sa katawan at may kasamang magulang.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *