ORDINANSANG MAGTATAAS NG AMILYAR SA CABANATUAN, INI-REFER SA COMMITTEE OF THE WHOLE

Iminungkahi ni 3rd District Board Member Johnero Mercado sa ginanap na ika-labing-apat na regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan na i-refer sa Committee of the Whole ang ordinance number 037-2014 o ang revision ng fair market value ng real properties sa Cabanatuan City.

Iniimbitahan ding dumalo sa susunod na committee hearing si Provincial Legal Office Chief Atty. Ricardo Atayde upang sagutin ang mga katanungan kaugnay sa ordinansang magtataas ng singil sa amilyar sa Cabanatuan.

Ginawa ni Board Member Nero Mercado ang nasabing mungkahi matapos na matanggap ng Sanggunian ang ikatlong opinion ng PLO na kumukwestiyon sa autentisidad ng pahayagang Dahong Palay kung saan ipinalathala ang ordinansa.

Matatandaan na ipinabalik ng SP sa Tanggapan ng Panlalawigang Pambatas sa ikatlong pagkakataon ang nasabing ordinansa para suriin kung tama ba ang prosesong pinagdaanan at nilalaman nito.- Ulat ni Clariza De Guzman

[youtube=http://youtu.be/BczSzAF76e4]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *