ORGANIC FOODS, IHAHAIN NA NG ROSENDA’S RESTAURANT

Ihahain na sa darating na huwebes May 28, ang mga pinakabagong putahe ng Rosenda’s Restaurant na matatagpuan sa Maharlika Highway Brgy. Dicarma, Cabanatuan City.

Ayon sa may-ari na si Rosemarie Martin-Dallo, naiiba ang mga pagkaing ito dahil bukod sa masarap na lasa ay may hatid din itong sustansya dahil ang mga pangunahing sangkap nito ay organic o walang halong kemikal.

Ang Rosenda’s ang isa sa mga itinuturing na pinakakilalang kainan sa lalawigan at kauna-unahang mag-ooffer ng mga organic foods and drinks.

At ilan sa mga ito ang bluemarlin steak, adobong manok na nilagyan ng gata ng buko at seafood pancit.

Layunin ng Rosenda’s na makapagbigay ng mga pagkaing healthy sa kanilang mga parokyano partikular sa mga kababayan nating mayroong malalang sakit tulad ng cancer.

Ipatitikim sa mga Cancer Patients ang ilang oraganic foods ng Rosenda’s na gaganapin sa Premiere Cancer Institute sa lungsod ng Cabanatuan.—Ulat ni Mary Joy Perez


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *