ORGANIC FOODS NG ROSENDA’S RESTAURANT, IPINATIKIM NA

Ipinatikim na ng Rosenda’s restaurant ang kanilang mga pinakabago putaheng organic sa ginanap na grand launch nito sa Premiere Cancer Institute sa lungsod ng Cabanatuan.

 

Mula sa mga gulay, manok, karne ng baboy, at maging kanin ay pawang mga organic.

 

Ayon kay Rosemarie Martin-Dallo may ari ng Rosenda’s, isang advocacy ng kanilang pamilya ang pagbibigay ng masusustansyang pagkain para sa kanilang mga parokyano partikular sa mga kababayan nating may malalang karamdaman gaya ng cancer.

 

Katuwang ang Premiere Medical Center sa pangunguna ni Atty Danilo Yang, ilang cancer patients ang hinainan ng ilan sa mga nasabing organic foods bilang mga pangunahing inspirasyon dito.

 

Galing sa (NEDEX) Neva Ecija Development Exchange isang asusasyon  ng mga organic farmers sa lalawigan ang regular suppliers ng Rosenda’s na aprubado ng (DA) o Department of Agriculture.

 

Kasabay nito, sinertipikahan rin ng mga Doctor at Nutritionists mula sa Premiere ang mga bagong recipes ng Rosenda’s kaya makasisiguro umano ang publiko partikular na ang mga Novo Ecijano na ito ay walang halong kemikal.

 

Ang Rosenda’s Restaurant ay matatagpuan sa Maharlika Highway Dicarma St. Cabanatuan City at isa sa mga itinuturing na pinakakilalang kainan sa Nueva Ecija at kauna-unahang nag-ooffer ng organic foods.- Ulat ni Mary Joy Perez


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *