Ortiz, nagretiro na bilang Pangulo ng NEUST

1
Pres. Hilario Ortiz, as he delivered his 8th and last speech in “Ulat ng Pangulo.”

Nagretiro na bilang isang Pangulo ng pamunuan ng NEUST o Nueva Ecija University of Science and Technology si President Hilario Ortiz, matapos ang walong taon niyang panunungkulan sa unibersidad sa ginanap na Ulat ng Pangulo na may temang “A Legacy and Commitment.”

Ayon kay Ortiz, karangalan niya na mapagsilbihan ng walong taon ang eskwelahan.

 

Kilala si Ortiz na hindi matatawaran sa dami nang kanyang mga nagawang proyekto at programa sa NEUST.

Sa katunayan, mula sa 12, 410 na enrollees noong School Year 2007-2008. Ngayong taon, naparami na niya ito sa 25,748. Maging ang kanilang graduates ay tumaas na sa 4,471 mula sa 2,548. Doble nang bilang mula ng siya ay manungkulan.

2
Pres. Hilario Ortiz with NEUST Chorale, singing “Let it be.”

Isa din sa programa ng kanyang administrasyon ay ang pagtatag ng mga Academic Extension Campuses, katuwang ang LGU’s o Local Government Units ng iba’t-ibang bayan upang maabot ang mga estudyanteng nagnanais na makapag-aral ng kolehiyo sa kani-kanilang lugar.

Sa kasalukuyan ay may anim ng Extension Campuses ang NEUST at madaragdagan pa ito ng isa sa bayan ng General Tinio.

Tripleng beses naman umakyat ang bilang ng kita ng Unibersidad mula sa mahigit P96 M noong taong 2007, umabot na ito ngayong taon, nang kulang P300 M.

Kaya’t kaliwat kanan ang mga ipinapagawa at ipinapatayo nilang gusali, kalsada, pagsasaayos ng mga opisina at laboratoryo.

Bagaman, nagsilbing malaking hamon para sa kanya ang pinsala na ginawa ng bagyong santi noong taong 2013.

Dumalo din sa nasabing okasyon si Congressman Roman Romulo, Chairman ng Higher and Technical Education. Kung saan, nagpahayag ng paghanga ang Kongresista.

Para kay Ortiz, ang lahat ng kanyang nakamit na tagumpay sa walong taon niyang panunungkulan ay magsisilbing pamana sa susunod na henerasyon at inspirasyon sa susunod na pangulo ng institusyon. -Ulat ni Danira Gabriel

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *