P1.2-m ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa 19 na barangay ng Cuyapo

Personal na iniabot ng Ina ng Lalawigan Gov. Cherry Umali ang mga tseke na naglalaman ng halagang Anim na Pu’t Limang Libong Piso sa Labing Siyam na barangay ng Bayan ng Cuyapo.

Malugod na tinanggap ng mga Punong Barangay at taga Ingat-Yaman ang tseke na magsisilibing pondo upang mapasemento ang kanilang mga bako-bakong kalsada sa kanilang lugar.

Kabilang sa Labing Siyam na barangay ay Brgy Baloy, Brgy. Bambanaba, Brgy Bentigan, Brgy Bibiclat, Brgy Bonifacio, Brgy Bulala, Brgy Cabatuan, Brgy Cabileo, Brgy Cacapasan, Brgy Simimbaan, Brgy Sta Clara, Brgy Villa Flores, Brgy Paitan Sur, Brgy Salagusog, Brgy Maycabayan, Brgy San Jose, Brgy Malineng, Brgy District I at V.

Sa mensahe ni Gov. Umali, bukod sa ipinagkaloob na tseke ay isa-isa ring tutugunan ng Pamahalaang Panlalawigan ang dagdag na kahilingan ng bawat barangay.

Kaya’t labis ang pasasalamat ng mga Kapitan sa Ina ng Lalawigan.

Katulad ni Kapitan Ronnie Angel ng Brgy Villa Flores, na ilalaan sa pagpapagawa ng farm-to-market road ng kanilang lugar.

Gayundin si Kapitan Ernesto Pilar ng Brgy San Jose, na nagnanais na gawing konkreto ang mga eskinita sa kanilang barangay.

Ang mensahe nila sa Pamahalaang Panlalawigan. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *