P3.7 bilyon Annual Budget ng Nueva Ecija sa 2020, aprubado na

Sa Ika-21 Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija ay pinukpukan na ang P3.7 billion Proposed Annual Budget para sa taong 2020.

Ang pondo para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P3,740,239,212 ay mas mataas ng labing limang porsyento kung ikukumpara sa budget ngayong taon na P3,230,300,000.

Ayon kay Vice Governor Anthony Umali, ang karamihan nang tipak nito ay mapupunta sa mga proyekto at programang pang-agrikultura, pangkalusugan at drug rehab.

Bago ito aprubahan ay siniguro muna ng Sanggunian na naisaayos at nakumpleto ang mga kinakailangan dokumento.

Ganun din ang mungkahi ng Sanggunian noong budget hearing na mapaglaanan ng pondo ang mga medical mission sa iba’t-ibang bahagi ng probinsiya.

Asahan aniya ng publiko na ang Sangguniang Panlalawigan ay susuporta sa mga makabuluhang programa na makatutulong sa mga mamamayang Novo Ecijano. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *