Pag-iimpok at pamumuhunan, itinuro ng BSP sa mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan

Sa seminar on financial orientation and empowerment na pinangunahan  ni Tessa Ramoso Openiano, Bank Officer 2 ng Bangko Sentral ng Pilipinas (Cabanatuan Branch, sinabi nito na ang nakikita aniya nila na kadalasang problema ng isang indibidwal ay  kulang ang kaalaman patungkol sa pagsisimula, saan ilalagak ang pera at kung kanino dapat sumangguni o lumapit.

Halimbawa  na lamang nito ay kung ang kinikita ng ama ng tahanan ay  halagang 7,000 pesos, ganun din ang kinikita ng ina na halagang 7,000 pesos kada buwan,  may anak  na nagpapadala mula sa abroad na halagang 10,000 pesos , kinikita sa negosyo na sari-sari store ay 2, 000 pesos at iba pang pinaggagalingan ng kita  ay 1,000 pesos kada buwan. Ang total income kada buwan ng pamilya ay  halagang 27, 000 pesos.

Bukod sa Kinikita ay tinalakay din ang gastos ng pamilya sa loob ng isang buwan. Kabilang ang pangunahing pangangailangan ng pamilya na  kabilang na ang pagkain, kuryente, tubig, baon ng mga anak, iba pang utilities, cable, internet, existing loans, paluwagan at iba. At ang total expenses ng pamilya ay 23, 000 pesos kada buwan at ang kanilang matititirang pera ay nagkakahalaga na lamang ng 4,000 pesos na pwede nilang  iimpok o gawing emergency fund.

Ilan pa sa ibinahagi  ni Openiano  sa mga empleyado ay ang Financial Planning Process o proseso sa pinansyal na pagpaplano, layunin o nais na maabot sa buhay at proteksyon sa mga di inaasahang pangyayari,  tinalakay din ang pagkaklasipika pagdating sa pangangailangan at kagustuhan (wants vs. needs) at Hinimok ang mga empleyado na mag ipon, mag impok, o magtabi para sa kinabukasan.

Ayon naman kay Remy Andrada, Instructor mula sa Eduardo L. Joson Memorial College, malaking tulong aniya ito sa kanya  bilang isang guro dahil ito ay may kaugnayan sa kaniyang kasalukuyang sitwasyon, maari din aniya itong maituro o maibahagi sa mga estudyante ang kaniyang mga natutunan sa seminar katulad ng iba’t ibang paraan kung paano magplano pinansyal, kahalagahan ng pagsasagawa nito at paghahanda sa hinaharap. 

Para naman kay Beatriz Ulsa Ong, Budget Officer 2 mula sa Cabanatuan,  malaki ang kapakinabangan ng ganitong seminar para sa mga katulad niyang empleyado ng gobyerno dahil aniya na-rerefresh  at mas nadagdagan pa ang kanilang kaalaman,  Kadalasan din  aniya na problema ng mga pinoy ay nauuna ang paggastos bago ang pag iimpok.

Kabilang din sa mga dumalo ay ang  Provincial Veterinary Office, Office of the Provincial Agriculturist, Provincial Cooperative and Entrepreneurship Development Office, , Accounting, Assesor, Budget, Provincial Social Welfare and Development Office, Legal, at District Hospitals.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *