Pagbabalita ng may kredibilidad, hamon ni Former Governor Umali sa mga mamamahayag

Hinamon ni Former Governor Aurelio Umali ang mga mamamahayag na mag-balita ng may katotohanan, may kredibilidad at walang pina-panigan sa ginanap na oath taking ceremony ng new set of officers ng Nueva Ecija Press Club Incorporated nagyong 2018.

Sa mensahe ni Atty. Oyie Umali, na nagsilbing panauhing tagapagsalita, binigyang diin nito na mahalaga ang papel na ginagampanan ng media kung kaya dapat na maging maingat at tiyaking tama at tumpak ang ihahatid na impormasyon sa publiko.

Nanumpa sa tungkullin ang mga re-elected at bagong halal na opisyal ng NEPCI sa harap ni National Press Club President Paul Gutierrez.

Ang mga re-elected and new set of officers ng NEPCI kasama ang mga opiyal ng National Press Club.

Muling naluklok bilang Presidente si Gina Calling ng DWNE Prvincial Radio Station, Vice President si Jun-Jun Sy ng GMA 7, Vice President for Print si Ferdie Domingo ng Manila Standard Today habang Vice President for Broadcast naman si Arthur Reyes ng DWNE.

Nanatili naman sa posisyon bilang Secretary si Jessica Eraña, Treasurer si Elsa Navallo ng Remate, Auditor si Milo Salazar ng Dahong Palay, Business Manager si Juaneth Vergara at Secretary General si Julie Reyes ng DWNE.

Itinalagang Board of Directors sina Tony Vallejo ng Isyu Ngayon, Ryan Sta. Ana ng Pilipino Star, Pepe Balagtas ng DWJJ, Aga Linsangan ng DWNE, Emiliano Sapiandante ng Philippine Recorder, Melicia Ciriaco at Rudy Castañeda kapwa mula sa DWNE.- ulat ni Ako po ang inyong kaibigan, Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *